About Me

Ako si W Gameplay, isang YouTube Content Creator na gumagawa ng mga videos tungkol sa Basketball dito sa Pilipinas. Ang madalas kong ginagawang videos ay tungkol sa #1 na liga ng basketball dito sa Pilipinas, ang PBA. Gumagawa rin ako ng mga videos tungkol sa mga video games kagaya ng NBA 2K, atbp.

Visit My Channel


Story

   Hello, Parekoy. Ako si W Gameplay, isang YouTube Content Creator. Inumpisahan ko ang aking channel noong January 2018 at ang pangalan pa ng aking channel noon ay WNS Gameplay na initials ng buong pangalan ko, pero masyadong mahaba ang WNS Gameplay para maalala ng mga tao kaagad. Kaya't binawasan ko, at itinira na lamang ang 'W', ang unang letra ng pangalan ko. Simula noon tuloy tuloy na akong gumawa ng mga videos tungkol sa laro na NBA 2K at may gamit ako noong mod na kung tawagin ay PBA 2K. Kung saan pwede mong malaro sa NBA 2K14 ang mga PBA Players. Gawa iyon ng mga magagaling na PBA Modders, PBA Cyberface Creators at iba pang mga taong tumulong para pagandahin ang laro na iyon. Buong taon (Enero-Disyember 2016), nakakuha lamang ako ng kulang kulang 5,000 subscribers (4,819). Sa unang taon ko narin na iyon sa YouTube, isang beses lang rin akong nakakuha ng bayad mula sa YouTube dahil hindi naman ako sikat, at kakaunti lang ang nanonood. Kaya ang payo ko sa mga bago pa lamang sa YouTube, kailangan gusto nyo talaga ang ginagawa nyo, kung iniisip nyo kaagad sa YouTube ay ito ang magiging trabaho nyo, tatamarin kaagad kayo kapag dating ng ilang mga buwan. Kaylangan talaga ay passion mo ang pag gawa ng videos at masaya ka sa ginagawa mo. Balik tayo sa ating istorya. Taong 2017, Hindi ako gumawa ng video mula Enero hanggang Marso, iniisip ko na noong huminto dahil ang hirap pag sabayin ng pag aaaral at pag you-YouTube, pero may mga nag memessage sa akin na bakit hindi na raw ako gumagawa ng mga video, mag upload na daw kako ako. Mag mula noon, nag upload na ulit ako nang madalas sa isang linggo, minsan ay 4 times a day, at kung maluwag talaga sa gawini ay araw araw. Minsan nga 3 videos a day, pero madalang. Enero-Marso ay nakakuha lamang ako ng kulang kulang 1,000 subscribers pero mula Abril-Disyember, nakakuha ako ng humigit kumulang 35,000 subscribers. Doon na nag simulang lumaki ang YouTube Channel natin. Kailangan talaga ng sipag at tiyaga sa lahat ng bagay. Yun lang ang aking storya, daragdaganan ko ito sa tuwing may hindi makakalimutang pangyayari sa aking channel. Salamat sa pag babasa, Parekoy.


Statistics
Year Views Subscribers Likes
2016 1.4M 5.2K 8.8K
2017 19.8M 35.8K 94.4K
2018 1.1M 2K 5K